POSTED BY RALPH

Pabalik-balik lang!
Ako ay nagbalik kung saan ako nagsimula. Marahil ako ay beterano na sa paggawa ng mga blogs kung tutuusin. Di ko na halos matandaan kung ilang beses na din ako nakagawa ng iba`t-ibang blog account sa iba`t-ibang host. Dito kung saan ako ay namulat sa magulo at nakakahilong mundo ng HTML. Dahil na din sa pagbukas ng aking interest sa mundo ng HTML, dun nagsimula ang lahat. Pagkatapos kong matutunan ang basic ng HTML, bigla akong nabored sa paggamit ng HTML. Hanggang sa nasabi ko na lang sa sarili ko, bakit hindi ko naman subukan pag-aralan ng PHP.

Hanggang sa nakilala ko nga ang mga tao na nagbigay kaalaman sa aking tungkol sa PHP. Hanggang nagkaroon ako ng sarili kong domain (is-explicit.org) at kung anu-ano pa ang nangyari. Maari nga may hangganan ang lahat. Pero hindi naman dito natatapos diba? Dahil eto ako nagsisimula muli sa pinangalingan ko, ang HTML.

Labels:

1 Comments



POSTED BY RALPH